Diaries Magazine

Pag-asa

By Ian_delapena
sino ka ba para umasa?
sino ka ba para tuparin nya ang mga pangakong
walang laman na katotohanan?
sino ka ba?
Panandalian, pamatid uhaw, pangkalang sa kumakalam
na damdamin.
Ikaw, oo ikaw! Ikaw na buong puso at buong tapat na nagbigay pagpapahalaga
umaasa.
umaasa sa salitang binitiwan tulad ng tayo, kasama at wagas na paulit ulit mong sinasambit
hanggang maililok sa aking puso't isip.
Paano na?
Tapos ka na, Tapos ka na sa pangagnalingan ng pakiramdam na di ka nagiisa, na ikaw ay mahalaga.
Tapos ka na, at eto ako nagiisa.
naglilinis ng naglalawa na damdamin na di kayang saluhin ng pusong nagiisa.
Simula na.
Ito na marahil ang hudyat na dapat ako ay maglakbay na.
Papalayo sa trahedya ng gyera at guho ng pusong umaasa, umasa, aasa.
tama na.

Back to Featured Articles on Logo Paperblog