Isa ka ba sa mga batang Funny komiks tulad ko na ginagalingan ang pag-aaral at nagpapakabait para lang ibili ka ng mommy mo ng Funny Komiks? Kung ikaw ay certified batang 90’s kung san wala pang tablet or mga gadgets na yan eh nahook ka sa pagbabasa ng Funny Komiks at inaabangan ang mga episodes nina Petit, Superblag, Tomas en Kulas at lalong lalo na ang Combatron ang robot na me alagang asong si Askal. Naalala ko karton karton ng Funny Komiks ang naipon sa bahay simula pa ng panahon ng Daddy ko at inipon din iyon ng Lola ko, pero unti unting naubos mga un kasi alam mo na ginawang pampaningas ng kahoy tuwing magluluto at sempre ang hirap sa loob ko noon kasi ako mismo ang taga-luto at nakikita mong nasusunog ang mga koleksyon mong komiks. Pero okay na nakamove on na ako.
Kung kaya’t sa mga Batang 90’s na gusto muling basahin ang mga episodes ni Combatron ang good news me gumawa ng parang Manga version nito at tinawag nilang Project Combatron, tara sama niyo akong muling magbasa at sa mga batang millennials dyan na gusto magbasa welcome na welcome ka.
iClick ang page sa ibaba para sa online komiks:
http://projectcombatron.blogspot.com/
Ang Combatron ay mula sa malikhaing gawain ni Sir Berlin Manalaysay na hanggang ngaun ay gumuguhit pa rin at gustong irevive ang character na ito.
Okay ba ang nadiskubre ko? Maaring mag-iwan lamang po ng comment kung isa ka sa nakabasa nito, salamat. Enjoy!