How my dog, Jack, feels about Mondays, or days that end in Y.
Back then when I used to write a lot more about more meaningful things (LOL) I even did some poetry to put my mind at ease. Here’s one to reassure you that Monday does come to an end. Haha.
LUNES
kapag sumilip ang liwanag
sa pagtulog na ni buwan
ako’y pakipot pang dumilat
bespren ko pa si unankamot kamot sa mata
konting hikab pang bitin
yoko pang malaman
kung wala na’ng bawat bituinpag abot sa telepono
may konti pang dasal
na sana maaga aking bangon
kalayo pa ng almusalngunit sa sigaw na ng mga bata
na patakbo takbo doon
alam kong gising na ang linggo
Inaantay na ako ni sabonNatapos din ang signal #2
sa loob ng banyong kyut
wag limutin ang mga kalat
dapat sa basura syut na syutsa isang kwarto sa ciudad
na sa totoo’y napakaliit
ang simula ng bawat araw
nitong babaeng makulitparang simple lang ang buhay
pero minsan sobrang hindi
alam naman natin kung bakit
lagi sa trabahong nagmamadalikaya eto nalang ako bigla
nakaupo at napapaisip
marami palang masasabi
tungkol sa “kondo” kong masikipDating dati ang huling pagtula
mukhang naubusan na ng Ingles
Sa pagsusulat wala akong sawa
patapos na rin ang aking Lunes