Mga Sangkap
1 kilong manok,walang balat,hiniwang 2 pulgadang laki ang bawat piraso.pagkaraang itapon ang taba sa may puwit at leeg
4 sayote,hiniwang pahilis pagkaraang pag-apatin ng pahaba at naalisan ng buto
2 puswelong malunggay
1 malaking sibuyas, tinadtad
½ kutsaritang luya, tinadtad
4 butil ng bawang, tinadtad
1/4 kutsaritang pamintang durog
2 kutsarang patis
3 puswelong sabaw ng sinaing
3 kutsarang cooking oil (non cholesterol)
Isangkutsa muna sa mainit na 1 kutsarang cooking oil ang mga prasong manok.Haluhaluin sa katamtamang apoy.Hayaang lumabas ang mantika sa taglay pangtaba nito sa loob ng 5 minuto.
Hanguin ang manok at patuluin ng 5 minuto sa colander. itapon ang lahat ng lumabas na mantika. Hugasan ang kawali.
Magpainit ngayon ng dalawang kutsarang cooking oil . Dito igisa ang luya,bawang (huwag papulahin) at sibuyas (huwag tutsahin) sa loob ng 1 minuto. Isama ang manok, haluhaluin. takpan sa loob ng 3 minuto.Ibuhos ang sabaw ng sinaing sa kawali.Haluing saglit ang manok,takpan at pakuluan sa katamtamang apoy sa loob ng 10 minuto.
Isama ang sayote.timplahan ng patis, Haluing saglit at takpang muli sa loob ng 5 minuto. Isama ang malunggay at budburan ng paminta. Haluing saglit. Takpan at pakuluan sa loob ng 5 minuto. Serve while its Hot.