I have so much material to post, but I thought it appropriate to start with this one, as this had been left unpublished for over a year now… Enjoy!
It all started with a ym conversation one late August 2008 evening with Taga, a former WWF volunteer I met in Camiguin Norte, who introduced me to Cynthia and ISLA….
I’ll try to look for a more ‘reflective’ entry about my volunteer experience with Isla in Calayan… But in the meantime, I think this’ll suffice. (Wrote it largely in Filipino… sorry. too lazy to translate everything in English right now. :P)
Day 0: Monday, September 29.
We left Manila via the 5:45pm Aparri bound-bus.
Mag-a-alas siyete na nung dumating kami sa Aparri, ni hindi na nga kami bumaba ng station, nagpapababa na lang malapit sa daungan, sabay sakay ng tricycle at derecho na kay Mae Jan.
Dahil matagal na-tengga sa Aparri dala ng dalawang magkasunod na bagyo na dumaan, magkasabay na tumawid pa-Calayan sina Mae Jan at Super Queenie nung araw na yon. Maganda yung panahon, hindi gaanong maalon at maganda ang sikat ng araw. Yun nga lang sa sobrang haba ng biyahe, init at sa amoy ng krudo at usok, nasuka pa din ako. :S Pasado alas tres na ng hapon kami nakarating ng Calayan. Asteg kasi sinundo pa kami nila Nongkit at Albert tapos pagdating sa “bahay” may pagkain na agad kasi nakapagluto na si ate Annie. :) Pagkatapos kumain, pahinga lang ng onti, ikot sa Poblacion, nagpakilala at nangamusta sa mga taong nakasalubong at syempre, nag-imbita na din para sa mga consultations na gaganapin, tas derecho na sa dagat. Lakas ng alon kaya sandali lang kami don.
Day 2: Wednesday, October 1.
Nung umaga, nagprint kami sa SBA (sana tama to..) ng mga invitation ni Cynthia tapos non, hinati ang grupo sa dalawa at dinaanan ang mga karatig brgy para magbigay ng invitation para sa consultation/workshops sa mga brgy kapitan. Pagkatapos non, sumakay ng kuliglig at dumirecho sa Katulayan sa Magsidel para i-meet ang boys bago naglakad patungong Kinabuhayan falls. Sabi nung Magsiboys, 1 oras lang daw na trek un… pero since mabagal kami at maputik, halos 2 oras kami naglakad. hahaha Ilang batis at ilog din ang tinawid namin para makarating dun. Kawawa pa si Tope, kasi papunta pa lang, napatid na yung tsinelas nya at kinailangan nya na maglakad ng nakayapak. Fun part started on our way back. Dahil halos alas kuwatro na ng hapon ng nagsimula kaming maglakad papunta sa falls, malamang sa malamang lang, e aabutin kami ng gabi. Dahil matatalino kami, d kami nagdala ng headlamps, napilitan tuloy kaming mag-wall climbing ng walang wall at river crossing ng walang river. hahaha maraming salamat sa ilaw ng maliit na bumbilya sa lighter ni jaja, kahit pano, may ilaw pa din. :P Asteg ung dinaanan namin though. Nakakamangha yung malalaking puno na parang giant christmas trees sa dami ng fireflies na nagkumpulkumpol sa mga dahon nila. Tapos may nadaanan din kaming fluorescent mushrooms na sobrang asteg kasi alam ko sa libro ko lang yun nabasa nung grade school ako. Tapos pagdating sa clearing, sobrang ganda ng langit, parang kuha sa picture book! ang daming mga bituin. Nakakatuwa talaga! Sobrang enjoy kahit nakakatakot (daming bangin, madulas ung mga bato sa ilog chaka may mga dams na mashadong makitid ung pwede mong daanan… basta..) Asteg talaga. Sabi nga ni Cynthia, Day 2 pa lang, may Ultimate Bonding Experience na kaming lahat agad. hehehe :)
Day 3: Thursday, October 2.
Nagpunta kami sa office nila MAO at MENRO upang manghingi ng updates tungkol sa status ng mga projects/initiatives na in-identify nila nung 2006. Tapos, nagpunta kaming Magsidel nung hapon para magrowing at magswimming ulit. Dito nakunan ni Jam yung astiging dikya. Yun palang isdang dikit ng dikit sa dikya, sinibat ng isang mangingisda pagkatapos kunan ng litrato ni Jam. :D
Day 4: Friday, October 3.
Day 5: Saturday, October 4.
Maaga aga ako nagising tas nagpicture picture saglit. Bumili na din kami ng isda sa bata na dumaan sa cove bago bumalik ng Poblacion. Mga 7 na kami umalis akala namin andun na si Kuya Philip sa may tulay pagdating namin, pero wala. Yun pala, pumutok ung isa nyang gulong. Ayon. Naglakad kami sa initan! Grabe! sobrang init! Pero nakakatuwa, may nakita kaming SOBRANG laking baboy! mas mabigat pa malamang un kesa sa pinagsamang timbang ng dalawang lalaking kasama namin! Grabe talaga! hehehe Wala naman kaming isang oras naglakad kasi nakahiram naman si kuya Philip ng gulong. Pagkatapos non, pahinga muna sa bahay. Tapos inisa-isa namin ulit ung mga brgy para mag-follow-up ng invites para sa consultations.
Day 6: Sunday, October 5.
Dahil may naka-schedule nang General Assembly ang mga taga-Poblacion, pinagpasyahan na namin na ganapin ang Brgy. Consultation pagtapos ng meeting nila. :) Tapos, inubos namin yung hapon sa beach ulit. (Wala palang pari sa Calayan nung nagpunta kami kaya di kami naka-simba. :( )
Consultation naman sa Brgy. Centro Dos ng umaga tapos sa Brgy. Magsidel naman nung hapon.
Day 8: Tuesday, October 7.
Maaga nagising ang mga boys at napagpasiyahan nilang magbasketball ulit. (First basketball ata nila nung Linggo, I forget.) Sumabit ako. Wala lang. Tapos non, nakasalubong ko ang kyut na kyut na si Aldrin na papasok ng skwelahan non. Consultation sa Cabudadan nung umagang yon tapos sa Dadao naman nung hapon. Pagbalik namin sa Poblacion, nakakita nanman kami ng ubod ng laking baboy na hatak hatak ng isang mama. (Mas malaki pa din ung una naming nakita though. Sayang talaga, d ko nakunan ng litrato un.)
Day 9: Wednesday, October 8.
Umalis kami ng maaga (bago mag alas otso) papuntang Dibay sakay ng isang double engine na bangka. Dahil maganda ang panahon, sandali lang yung biyahe namin. Bago mag alas onse, asa Dibay na kami. Nakikain kami sa bahay nung midwife dun (nakalimutan ko yung pangalan ni ate.. :/) tapos non, lumipat kami sa bahay ni Kapitana pagdating nya galing sa daycare. Nung hapon naman, inayos lang yung magiging merienda para sa Consultation kinabukasan tapos non, tumambay na kami sa health center kung san namin nalaman na may breakout na pala ng Malaria sa lugar na kung saan mahigit 80 cases na ang naitala. :( Nakakalungkot kasi madami sa kanila, hindi umiinom ng gamot na libre namang makukuha mula sa health center. Binibigyan din sila ng mga mosquitero (kulambo) na hindi din nila ginagamit… Sabi nga nila ate, kung kailan, malala na saka dinadala sa kanila. Ang titigas talaga ng ulo natin no? Hay. Ayon. Wala lang…
Day 10: Thursday, October 9.
Hindi masyadong maganda yung panahon nung hapon. Tapos medyo nairita pa ko kasi may isang malaking Taiwanese fishing boat na nakadaong sa tapat. Sabi nung bangkerong kinausap ko kinaumagahan, dalawang linggo na daw yung mga yon don. Pag dating na pagdating namin sa Barangay Hall ng Dilam, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Imbes na kinaumagahan yung consultation, napagpasyahang ilipat ito ng gabing yon kasi may lakad lahat nung opisyal ng baranggay sa isang sityo na malayo-layo pa dun sa sentro kinabukasan. Medyo hindi maging maganda yung experience namin nung gabi kasi kaunti lang ang nagpunta at kailangan naming lumipat ng pwesto dahil sa ulan, kaya nagpusoy na lang kami pagkatapos nung consultation. Kakaiba pala yung mga lamok sa Dilam. Grabe! Kahit mag-off lotion ka, kagat pa din ng kagat. Ang dami kong pantal sa mukha kinaumagahan. Pati sa talukap ng mata meron! Kakaiba talaga.
Day 11: Friday, October 10.
Maaga kaming umalis sa Dilam pabalik ng Poblacion. Medyo nagsimula nang sumama ang panahon kaya imbes na ikutin namin yung isla, mas mahabang daan na ginamit din namin papunta. Kinailangan naming balikan ung Dilam pala para kumuha ng dagdag na krudo kasi mas magiging mahaba yung biyahe. Dun namin inabutan ung isang bangka na nagbaba ng pating. :( Kawawa kasi bata pa. Tapos non, pinaghahatihatian ng mga tao. Di daw binebenta yung laman non. Ibinabahagi lang sa kung sinong may gusto. Pero malamang yung palikpik (fins) nung pating tinatago nung nakahuli sa kanya. Mahal daw kasi bentahan nun. Sa isla pa lang, mabibili daw ng P7,000 ang isang kilo non. Grabe no?! Ang mahal! Pati ung bangkero namin at yung nakisabay na babae sa bangka namin, nakiparte sa laman nung pating. hay.. Wala lang. Medyo maalon pabalik ng Poblacion. Tas medyo maulan pa. Pero carry lang. Kaya naman. Pag balik namin sa Poblacion, dumaan lang kami saglit kay MENRO at kina ate Conie tapos dun na kami sa bahay umistambay pero nung mga bandang alas singko na, pumunta kaming Magsidel para magtampisaw ulit. :)
Day 12: Saturday, October 11.
Nahati ang grupo nung umaga kasi yung ibang boys kelangan magpunta ng Magsidel tapos kami nila Cynthia, Jaja at Nongkit ay nagtungo ng Dadao para makita ng sarili naming mata ang natumbang lighthouse. Same route papuntang Sibang pero iba yung nilikuan namin. Dumaan kami sa may mga bahay bahay. Di masyadong maganda yung panahon kasi paambon ambon tapos nung finally paakyat na kami nung gilid nung burol, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pa-ambon-ambon pa din sa taas nung andun kami at SOBRANG lakas ng hangin! Tinatangay talaga kami! Pero sobrang ganda ng burol! May lighthouse man o wala, so ayon. Picture picture. Past 10 na ata kami nakababa. Nung hapon, FGD with teachers para ireview yung Project WET. Sarap nung egg sandwich na ginawa ni Ja pang merienda. hehehehe Pagkatapos namin sa SBA, nagpunta kami sa bahay nila ate Conie sa Cabudadan. Medyo malayo, matarik at maputik. Nag handa siya ng pansit at macaroni soup. Meron silang bagong baby Aizel yung name pero Pepe ang tawag nilang lahat. Nanuod lang kami ng Bruce Almighty dun. Tapos non si cute na cute na Aldrin, napagtripan ung cam ko. Trigger happy na bata! hehehe
Nagcards lang ata kami habang gumagawa ng spaghetti si Jaja nung umaga tapos, nanuod ako kay Jam habang nagpprocess siya. Dumaan din pala akong PNP para i-check ung reported environmental offenses dun pero sarado sila. Nung hapon, dumerecho kaming Magsidel para sa SIR Workshop. Medyo na-delay kasi may kasabay ng Spring Development regular meeting pero oks lang. Madami pa din namang nagpunta. Pagkatapos nung workshop, nagswimming ulit kami kasama sila Ann-Ann at Pira.
Day 14: Monday, October 13.
Nagpunta kaming SB Session Hall para sa CEC meeting nung umaga. Nung hapon naman, bumalik ako ng PNP. Medyo watak watak na kami ng araw na to, si Ja, nagluto para sa mini-farewell party namin para sa gabing yon tapos nagswimming after, si Tope nag-lighthouse, sila Jam at Albert, naghanap ng manok sa Magsidel, si Nong, pumasok, si Cynthia nakipagmeeting kina MENRO. Past 5, dinaanan ko si Cynthia, tapos nagpunta kaming Centro Dos para siguraduhing aalis nga si MaeJan kinabukasan. Medyo malakas kasi yung hangin nung araw na yun at nung mga nakaraang araw tapos grabe yung ulan gabi gabi. Pero sabi naman nung kapitan, tuloy daw. Dumaan muna kaming Gretchen’s at kina ate Conie para sa mga last minute na kailangang bilhin at bayaran. Pag dating namin, kainan na! Tapos yung guys nag-inuman.
Day 15: Tuesday, October 14.
5am pa lang gising na ko. Nagising sa mga kaluskos ni Jam na sobrang aga gumising. Siya rin ata ang nagluto ng almusal. Sinundo kami ni Kuya Philip bago mag 7am tapos derecho na kay MaeJan. Inuna munang ikinarga yung mga gamit at mga hayop (may kasama kaming mga baka, kalabaw, baboy, kambing at mga manok) bago kami sumakay. Nung medyo ayos na kami sa taas (despite the sudden drizzle) pagkatapos magpicture-picture, biglang pinababa yung mga pasahero! Badtrip talaga. Hindi daw aalis si MaeJan. Kala namin dahil sa masamang panahon. Nung nakababa na kami at medyo na-stress na sa kakahanap ng ibang alternative pauwi, chaka in-announce na tuloy daw ang pagtawid. hahaha Leche. Political issue pala. Ayon. Dun pa din kami sa taas namalagi kahit umuulan, malakas ang hangin at timba timba ang alon. Para kong tanga. 30mins into the ride, natakot na ko talaga. Ilang ulit kong tinatanong si Jam (na katabi ko non) kung may possibility ba na bumalik si Mae Jan. hahahaha toink! Nakarami ako ng Bonamine. Nung medyo gitna na nung biyahe, naglabas sila ng tolda tas yun ung ginamit naming panangga sa hangin. Nakarami din ako ng CR break. nakakatawa. Si Engineer napansin na din yung sangkaterbang beses na kelangan kong bumitin sa baging para makawiwi. LoL. Buti na lang d ako bumabagsak sa kalabaw kung hindi baka d na ko nauwi. hehehe Past 3pm na kami nakarating sa Aparri tapos dumiretso kami sa kamag-anak ni Jam para makiligo. After non, sa Jollibee para kumain. Yung guys, naghanap ng van pa-Tugegarao pero wala. Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap ng masasakyan, napansin ata nung manager na tuliro na kami so ayon, sinuggest na sumabay kami sa delivery truck nila. Lagpas 6pm na nung dumating yung truck pero oks lang. Kala namin d na darating. Nag-unload muna siya (medyo matagal din) bago kami nakaalis. Dun kami sa likod sumakay. hahaha Pinatay naman ung freezer/aircon kaya lang parang umuulan sa likod kasi nagdedefrost siya. lol. Tas a few minutes into the ride, nasira yung bumbilya so sobrang dilim. Pagdating namin sa Florida, paalis na yung last bus (sleeper) na sinakyan nila Tope at Jaja. Si Jam kailangan i-meet yung kapatid nya na inantay namin tapos kami naman ni Cynthia, gusto talagang maglighthouse muna (Palaui sana) bago bumalik ng Manila. Nakituloy kami sa kapatid ni Jam nung gabing yon.
Day 16: Wednesday, October 15. Gising na ko before 6am pero lagpas 8am na ata kami nakaalis ng Anafunan. Nung una talaga d kami makapagdecide kung magpa-Palaui kami o Penablanca na lang. Pero since ayaw namin ng Palaui-what-ifs, dun kami tumuloy. Nakahanap kami ng van bago mag 10 pero matagal bago siya umalis. Pahinto hinto pa at nag VERY long stop sa Camalanogan, tuloy mga alas dos na kami nakarating ng Santa Ana. Tinulungan kami nung isang matandang ale na makahanap ng bangka.
Day 17: Thursday, October 16.
Gising na kami ng mga 5am. Naligo lang at nagbreakfas tapos diretso na sa bus station. Uneventful ride back home. Yun nga lang medyo mahaba kasi yung standard lang nasakyan namin. Left Tuguegarao before 7am tapos nakadating kaming Sampaloc ng past 8pm na.COPYRIGHT © 2011 JuanaTravels.